Ayon sa ating actual na makikita sa paligid lumalawak ang mga masamang influence ng mga kabataan at malaking porcento pati ang mga magulang mismo ay karamihan walang responsibilidad .
Ang mga kabataang lobog sa mga masamang influence ano ang magiging kinabukasan?
Ang mga pasimunong mga awiting gustong gustong pakingan ng mga kabataan ay nagbubunsod sa kanila sa pagkawalan ng tamang pag-uugali tulad ng mga balagtasan at mga awitin sa youtube ay maraming kabastusan yung iba ay awitn ng mga pang-adik. Ano ang mahuhubog nito sa buhay ng mga kabataan? Wala kundi itutulak sila ng mga ito sa buhay ng pagkasira at kahirapan.
Ang mga magulang naman, wala din sa tamang responsibilidad, puno ng mga bisyo, paninigarilyo at pagsasayang ng pera sa pag-iinum. Ang kanilang mga anak ay napapabayaan sa mga masamang pagbabarkada. Yung iba 14 years old pa lamang nagkaanak na.
Ang mga realidad na ito ang pinakadahilan ng kahirapan. Hindi ito malulutas ng gobyerno dahil ito'y individual na problema sa bawat pamilya.
Kompara noon, mas may disiplina ang kabataan kahit karamihan ay mga farmers. Buo ang ralationship noon, magalang at hindi matitigas ang ulo. Malaki ang oras ng pagsasama ng pamilya kesa mga barkada.
Ngayon, lalo na dito sa metro manila ang mga ugali ng mga kabataan karamihan sa mga depressed area ay parang mga walang aral, ang kukulit at mga walang galang, naninigarilyo at marunong na uminum ang babata pa at nangbabastos sa mga nakakatanda. Ordinaryo na lang sa mga kabataan ngayon ang manood ng bold sa computer ultimong mga batang maliit.
Marami sa metro manila ay nakatira hindi sa subdivision kundi sa mga depressed area.
Tayo ay nagbabasa ng mga survey ratings ng kahirapan ay usual nating ibato ang responsibilidad sa gobyerno kaagad. Ang mga pamilyang nalagay sa mga nabangit sa itaas ay malaki ang posibilidad sa sasapit sa kahirapan kasi hindi nahubog ang mga anak sa paghahanda sa kanilang kinabukasan. Ang isang nagkapamilya na 15 years old at ang asawang lalaki ay walang ikabubuhay imaginin natin kung ano ang kalagayan? Maraming nagkapamilya sa pinas na walang tiyak na ikabubuhay dahil ang kanilang pamilya ay hindi nakapaggabay sa kanila na magkakaroon ng kaalaman para sa maayos na hanapbuhay.
Kahit pa may mga magandang programa ang gobyerno hindi pa rin sila uunlad dahil ang problema ay individual at personal.
Kahit sa ganitong kalagayan ng Pinas kung ang bata ay nagabayan at naturuang maghanda sa kanyang kinabukasan ay pueding umahon sa hirap. Puede siyang mag-aral ng technical tulad ng welding, electrical technician, auto mechanics, computer technician or electronics. Ang mga may kaalaman ng ganito ay madaling makahanap ng trabaho. At hindi lang kaalaman ang ituturu sa mga bata kundi dapat maintinduhan nya na kung hindi siya maghanda sa buhay ay maghihirap siya sa future kung gagaya lamang siya sa mga kabataan sa paligid na walang mga modo at kakulitan lamang ang natutunan.
Ang kahirapan ay relative sa moral values ng mga tao. Hangang hindi maiayos ang pananaw ng mga kabataan sa kanilang kinabukasan, maghihirap sila at sila yung mga tao na nagconstitute ng percentage of poverty of a nation.
--- ---- --- --- --- --- --- --- --- --- --- --- -
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.