Friday, May 25, 2012

KAHIRAPAN SA BUHAY, PANANARBAHO BA ANG SOLUTION NITO?

Ang Pilipino ay magaling sa pananarbaho kaya tayo ay isa sa mga bansa na ang export ay services. Milyon milyong mga pinoy ay nasa sa ibat-ibang mga bansa dahil ito na lang ang pinaka madaling option para makaahon sa kahirapan dahil ang iba ay halos wala nang makain. Marami ang membro sa pamilya paano kung wala nang trabaho si papa dahil nagsara ang kompanya, paano matustusan ang pangangailangan sa araw araw? Dahil ang Pilipinas ay tinatawag nga na Christian nation, idadaan na lang daw sa panalangin, kasu lang baka naman mayroon tayong dapat gawin na tamang paraan at hindi ginagawa  kaya siguro hindi nasasagot ang mga panalangin.

Sa daming nag-aabroad ilan lang ang masasabing pinalad malalaki ang sahud, maganda ang posesyon sa companya at sagana sa buhay, maaring nasa 10% lang yan, ang karamihan ay nagtitiis sa mababang sahud, bilad sa araw (sa Middle East subrang init), sigaw ng superior, api sa patakaran, hindi magandang tulogan at marami pang hirap na ang iba lang ang nakakaalam. Para malaman natin ang maraming hirap na nangyayari, punta tayo sa bahay takbuhan (o sa embassy) baka malugmok ka kung malaman ang nararanasan ng ating mga kakabayan.

WALA NA BA TAYONG MAISIP NA KALUTASAN NITO? Mahirap nga ang kalagayan natin ngayon, pero alam ba natin na ang nangyari sa atin ay bunga din ito ng ating prensepyo sa buhay. Gusto natin lagi madali, gusto lagi short cut kaso sa buhay wala namang short cut. Nawala na sa atin ang virtue ng pagsisikap, pagtitiis, determinasyon at pag-asa. Ang China at India ay umaangat na, hindi ba natin alam na marami sa mga ito kayang magtrabaho basta makakain lang? Natoto sila sa kahirapn kaya patuloy ang pagpupursigi nila. Kaya ngayon halos lahat ng prodokto ay nanggagaling sa China. At ang India naman ay mayroon nang maraming produkto nanggagaling sa kanila, maging sa electronics, household equipment, at industrial products. Ang atin naman puro puri lang sa ating kakayahan pero nasaan ang bunga mayroon ba?

Tingnan natin ang mga negosyo sa Pinas sinong ba ang mga may-ari di ba mga Chinese? (Pilipino Chinese). Libutin natin lahat na mga tindahan at mga hardware sa Middle East sino ang mga may-ari di ba mga Indians, Pakistani at mga Bangladesh? Nasaan ang mga magagaling na Pinoy? Nandyan sa kanilang mga negosyo nagtatrabaho? Anong nangyari bakit nagkaganito? Ito ay dahilan sa ating philosophy sa buhay or mindset. Gusto natin yung madali, masmadali kasi ang magtrabaho walang problema kasi pagkatapos ng buwan tatanggap lang ng sahud. Kaya ito ngayon ang ating kalagayan ng bansa nasa kahirapan. 




NAWALAN NA BA TAYONG PAG-ASA? of course mayroon laging pag-asa nandayn lang yan. Tandaan natin ang ugat ng lahat ay PAGBABAGO NG MINDSET. Ang prinsepyo ang magdidekta sa atin ano mang gagawin sa araw-araw. Kung ang iniisip natin ay hindi kaya ang magnegosyo at wala tayong pag-asa sa ganitong venture syempre naman paano tayo hahakbang sa pagnenegosyo. Pero kung alisin natin ang mga negatibong kaisipan at ang focus natin ay may nakikita tayong magandang buhay sa pagnenegosyo dahil ang iba ay umaangat na, at maaring mas magaling pa tayo kanila, so ang ganitong kaisipan ang magtutulak sa ating mag-umpisang hahanap ng paraan paano magnegosyo at maaring ito na ngayon ang mananatili sa atingng isipan.Kung ganito ang mangyayari sayo tiyak kikilos ka at sa huli ay makakamtan ang buhay na inaasam.

Dahil dito sinusubukan ng ilang mga grupo para magturo ng seminar baka sakaling mabuksan ang ating isipan kasi kung ano ang iuutos ng ating isip ay siya din naman ang ating gagawin. Ayon sa ating ambassador ng  Bahrain ang seminar na ito ay unang pagkakataon dito sa Middle East na apat ang speaker manggagaling pa ng Pinas magbabahagi ng kanilang kaalaman o mga deskarte sa pagnenegosyo. Ang kaalaman ay magkakaroon lamang ito ng bunga kung buksan natin ang ating sarili sa mga aral at gagawin ito, ngunit kung sarado naman ang sarili kahit gaano kagaling ang ituturo hindi rin naman ito magbibigay ng benepesyo. 

Ayon sa mga nanagumpay, para madali itong gawin wag daw makinig sa mga failure kasi ang sasabihin lang nila ay hindi mo magagawa yan, hindi mo kaya yan. Titingin at makikinig lang daw sa mga successfull na mga tao, kunin ang kanilang mga prinsepyo at gumaya sa kanilang mga activities.

Ang mga nanagumpay nagsasabi, wag ka lang tumigil na habolin kung ano ang dream mo sa buhay, focus, constant building of yourself in research and seminar tiyak na aangat ka. 

"Success depends on your personality, not on the economy". . Success is your philosophy, attitude and activity"- By Jim Rohn.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.